BAON SA UTANG? Mga Dapat Gawin Para Makaiwas at Makawala sa Maling Pagkakautang.

Baon sa utang dahil sa napakataas na interes?

Alamin ang mga dapat gawin para makaiwas at makawala sa patong-patong na interes sa utang sa isa na namang webinar na hatid ng Securities and Exchange Commission Philippines sa darating na June 17, Biyernes, 1:00 PM via Facebook Live.

Pakinggan mula mismo sa Bangko Sentral ng Pilipinas kung gaano kataas nga ba ang interes na maaaring singilin ng lending at financing companies sahil sa interes na sigurado, interes mo ay protektado.

Alamin din mula sa Credit Information Corporation kung paano makakatulong ang credit reporting para masiguro ang patas at abot-kamay na pagpapautang.

Upang makatanggap ng e-certificate, mag-sign up: https://bit.ly/SignupWhenAndWheretoBorrow